Pampanga Wedding of Berna and Japs “Pagkakataon”
Directed by CarmelaMinsan lang sa buhay natin ang makakita tayo ng taong magmamahal sa ‘tin ng buong puso and walang patid na pasensya. Pinagpala yung mga taong nakita ang iibigin nila at di ‘to binitawan hanggang sa huli. Ganun na lamang ang tuwa ni Japs nang makilala nya si Berna. Si Berna naman, naisip na agad ang pasensya na kailangan nyang gugulin upang mahalin ng taos-puso si Japs.
Ngayon sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay, manunumpa silang magmula sa raw na iyon, sila’y magmamahalan at magiging tapat sa isa’t isa. Kami’y nalulugod at nagagalak na makasama sa isang pagdiriwang ng tunay na pagmamahalan ng dalawang taong maraming pinagdaanan bago umabot sa sandaling ito.